Nasa 500 magsasaka sa Pangasinan na apektado ng nararanasang El Niño ang nabigyan ng tulong sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) na programa ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Sa loob ng sampung araw mabibigyan ng pansamantalang trabaho ang mga magsasaka at mabibigyang kita na nagkakahalaga ng PHP4,350.
Mabibigyan din ang mga magsasaka ng personal protective equipment, cowboy hats, long sleeve shirts at insurance coverage. Kabilang din na ipapamahagi para sa pamilya ang family food packs, vitamins at face masks.
Kaugnay nito, matatandaan na umabot ng PHP328 million ang naipamahagi ng DOLE bilang sahod sa ilalim ng programang TUPAD. Natulungan ang higit 65,000 na manggagawa sa Ilocos Region sa unang bahagi ng 2023. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨