𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗪𝗔𝗚𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗪𝗧𝗢𝗥𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗡𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗔 𝗔𝗬𝗨𝗦𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗜𝗥𝗜𝗚𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗕𝗜𝗚 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗔𝗞𝗔𝗛𝗔𝗡

Nanawagan ngayon ang ilang magsasaka sa lalawigan ng Pangasinan na sana raw ay ayusin ng mga kinauukulan ang mga irigasyong hindi gumagana sa mga sakahan.

Sa naging panayam ng IFM News Dagupan kay Rolly Balansay ng Barangay Payas sa bayan ng Sta. Barbara na sana raw ay ayusin ang mga irigasyon malapit sa kanilang mga sakahan dahil hindi napapakinabangan ang mga ito.

Inihayag nito na dahil sa kawalan ng tubig sa irigasyong malapit sa kanila nahihirapan sila sa kanilang pagtatanim ng palay at mais sa dahil sa kakulangan ng tubig.

Aniya, mayroon namang tubig ngunit kailangan ng sandamakmak na krudo at sapat na pera para makapamili ng krudong gagamitin sa ilang araw na patubig.

Bagay din na nagpapahirap sa kanila ang hindi sapat na budget.

Kaya’t upang kahit papaano ay mabawasan ang kanilang mga nararanasang hirap sa pagtatanim ay ang panawagan nilang maaayos ang irigasyon malapit sa sakahan ang kanilang sigaw ngayon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments