𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡 𝗚𝗨𝗠𝗔𝗠𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗪𝗔𝗧𝗘𝗥 𝗣𝗨𝗠𝗣 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗡𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗡𝗜𝗠𝗔𝗡 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗞𝗔𝗞𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗕𝗜𝗚

Dinadaing ngayon ng ilang magsasaka sa Pangasinan ang kakulangan ng patubig sa kanilang sakahan.

Dahil umano dito,maaring bumagsak ang kalidad ng kanilang tanim.

Ang ilang magsasaka ay napapagastos na di umano sa paggamit ng water pump upang mabigyan ng sapat na patubig ang kanilang sakahan.

Ang iba naman pinagtitiyagaan na lamang ang kaunting tubig na dumadaloy sa kanilang sakahan dahil sa walang kakayanan na gumastos sa pagggamit ng water pump.

Inaasahan naman na magiging sapat ang patubig sa buwan ng Setyembre dahil ayon sa Agno River Basin Flood Forecasting and Warning Center tataas ang antas ng mga river systems sa lalawigan ngunit depende pa rin ito sa gaanong kadalas ang pag-uulan sa mga susunod na buwan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments