π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š π— π—”π—šπ—¦π—”π—¦π—”π—žπ—” 𝗦𝗔 π— π—”π—‘π—šπ—”π—Ÿπ——π—”π—‘, π—‘π—”π—£π—œπ—Ÿπ—œπ—§π—”π—‘π—š π— π—”π—š-π—”π—‘π—œ π—•π—”π—šπ—’ π——π—¨π— π—”π—§π—œπ—‘π—š π—”π—‘π—š π—•π—”π—šπ—¬π—’

Hindi na hinintay pa ng ilang magsasaka sa Mangaldan na tuluyang masira ang kanilang mga pananim na palay.

Dahil sa banta ng Bagyong Kristine, nag forced harvest na ang ilang magsasaka sa bayan.

Sa ibinahaging video ni Juanito EspaΓ±ol, habang hindi pa bumuhos ang malakas na ulan sa probinsiya kahapon, napagdesisyonan nilang anihin na ang kanilang Palay upang hindi tuluyang malugi.

Ani EspaΓ±ol, sugal talaga ang pagtatanim kaya’t hindi na nila hahayaang mapadapa pa at hindi na mapakinabangan ang mga tanim na palay.

Samantala, matatandaan na umaapela ang mga magsasaka sa bayan na pataasin ang buying price ng palay, matapos itong sumadsad 21 pesos. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments