𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗔𝗕𝗢𝗥 𝗦𝗔 𝟭𝟬𝟬 𝗣𝗘𝗦𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗨𝗠𝗘𝗡𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗛𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗣𝗥𝗜𝗩𝗔𝗧𝗘 𝗦𝗘𝗖𝗧𝗢𝗥𝗦

Pabor ang ilang manggagawa sa Dagupan City ukol sa isang daang pisong umento sa sahod ng mga nagtatrabaho sa private sectors.

Ang hinihiling na taas sahod na ito sa nga tulad nilang normal na mangagawa umano sa private sectors ay may malaking maitutulong lalo na usapin ng mga pangangailangang pinansyal.

Mainam rin umano kung sakaling maipatupad ito dahil makatutulong na umano na maibsan rin ang kanilang paghihirap pagdating sa pagbibili ng mga basic commodities na siyang nagbabago bago ang presyo ngayon.

Sa mahala umano ng bilihin, dapat lamang umano na taasan ang kanilang sahod nang sa gayon ay sapat pa rin ito para sa kanilang pamamaraan ng pamumuhay.

Sa ngayon, dinidinig na sa senado ang naturang panukala kung saan binubusisi na ng maigi ng mga opisyal para sa karampatang desisyon ukol rito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments