Ang ilang manggagawa mula sa private sectors sinabing maaari rin naman umano itong maging dahilan sa ilalim ng sick leave kung pahihintulutan ng kumpanya kung saan nagtatrabaho.
Mayroon din umanong mas mga mabibigat na problema at panukalang dapat na mas pagtuunan ng pansin lalo at humaharap umano ang ating bansa sa ibat ibang suliranin gaya ng mga bilihin at patuloy na usapin sa jeepney modernization.
Ang ilan namang manggagawa, nakitang maganda rin naman umano ang naturang panukala lalo at importante rin umano ang pagpapahalaga sa mental health ng mga manggagawa dahil maaaring maaapektuhan rin nito ang performance sa loob ng kanya kanyang trabaho.
Samantala, ang naturang panukala ay prinopose ng isang lawmaker sa Cagayan de Oro at patuloy na dinidinig ngayon sa Kamara kung saan layon na matutukan ang emotional support sources para sa mga empleyadong humaharap sa pagkabigo sa pag-ibig. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨