Naghahanda na ang ilang mangingisda sa Dagupan City sa mga epektong maidudulot umano ng el niño kung sakali lalo na sa kanilang pangkabuhayan.
Madalas nila umanong imonitor ang kanilang mga alagang isda sa palaisdaan dahil maaaring mamamatay ang mga isda sakaling makaranas ang mga ito ng matinding init ng temperatura.
Ikinababahala rin nila ang maaaring banta ng fish kill kung sakaling tumindi pa ang init ng temperatura sa mga susunod pang mga buwan lalo at ma stress ang mga alagang isda katulad ng bangus at tilapia sa oras na tumaas rin ang salinity level sa katubigan.
Samantala, una na rin na nagpapaalala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa mga nasa sektor ng pangisdaan na paghandaan ang maaaring maging epekto ng tag init ngayon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨