π—œπ—Ÿπ—”π—‘π—š π— π—”π—‘π—šπ—’ π—šπ—₯𝗒π—ͺπ—˜π—₯𝗦 𝗦𝗔 π—£π—”π—‘π—šπ—”π—¦π—œπ—‘π—”π—‘, 𝗣π—₯π—’π—•π—Ÿπ—˜π— π—”π——π—’ 𝗦𝗔 π—£π—”π—šπ—•π—˜π—•π—˜π—‘π—§π—” π—‘π—š π— π—”π—‘π—šπ—šπ—”

Problemado ngayon ang ilang mango growers sa lalawigan ng Pangasinan dahil sa dami ng supply ng mangga, dahil sa sabay-sabay na pagharvest ng kalapit na probinsya ng Pangasinan.

Ayon sa panayam ng iFM News Dagupan kay Pangasinan Mango Growers Association President Mario Garcia, wala umanong problema sa dami ng supply ngunit problema ng ilan sa kanilang mga kasamahan kung paano ito ibebenta.

Ang presyo kasi ngayon, bagsak presyo hanggang bente pesos kada kilo. Dahil umano sa dami ng supply dulot ng mainit na panahon, mabilis mahinog ang mga ito na nagiging dahilan din ng mabilis na pagkasira.

Dagdag pa ni Garcia, na hinahayaan na lang ng ibang mango growers ang mga mangga sa kanilang puno o di nama’y pinamimigay na lang upang hindi masayang.

Sa ngayon, panawagan ng kanilang grupo na masuportahan upang hindi masayang ang produktong mangga. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments