𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗨𝗧𝗘𝗥 𝗔𝗧 𝗘𝗦𝗧𝗨𝗗𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗗𝗨𝗠𝗔𝗗𝗔𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗔𝗟𝗜𝗞𝗔𝗕𝗢𝗞 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗞𝗔𝗟𝗦𝗔𝗗𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗔𝗧 𝗗𝗥𝗔𝗜𝗡𝗔𝗚𝗘 𝗘𝗟𝗘𝗩𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Dumadaing pa rin hanggang sa ngayon ang ilang commuters at estudyante na bumabyahe sa Dagupan City dahil sa maalikabok na kakalsadahan na kanilang nadadaanan.
Kahit pa sa umaga ay nararanasan na umano nila ang alikabok mula sa mga pinantatapal na lupa para sa pagsasagawa ng road at drainage elevation.
Ayon sa ilang estudyante, nagmistula na umanong fog ang itsura ng ilang kakalsadahan gaya sa AB Fernandez ave dahil sa alikabok habang dumadaan ang mga sasakyan na siyang sumasabay pa sa usok na inilalabas na kanilang mga tambutso.

Tanging face mask muna ang ginagamit na pantakip ng mga estudyante sa UPANG lalo at sa exit area ng unibersidad lamang ang nagsisilbi muna nilang entrance kung saan nadadaanan ang konstruksyon ng kalsada.
Samantala, patuloy din na nararanasan ang bigat ng daloy ng trapiko ss bahagi ng MH Del Pilar hanggang AB Fernandez Ave bunsod ng umiiral na one way traffic scheme sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments