𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗝𝗘𝗘𝗣𝗡𝗘𝗬 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, ‘𝗡𝗔𝗞𝗔𝗣𝗔𝗦𝗔𝗗𝗔 𝗕𝗥𝗘𝗔𝗞’ 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗘𝗪 𝗬𝗘𝗔𝗥 𝗖𝗘𝗟𝗘𝗕𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Pagkatapos ng salubong ng bagong taon, ilan sa mga PUV drivers sa lalawigan ng Pangasinan ay hindi muna nagpatuloy sa trabahong pamamasada.

Nakapasada break, daw ang mga ito bilang selebrasyon at pahinga na rin matapos nang nagdaang mga araw kasunod ng mga selebrasyon.

Ayon sa mga drivers, hindi raw biro ang naging problema ng transport sector ngayong taon lalo na ukol sa usapin ng unstable na presyo ng krudo na nakakaapekto sa kanilang arawang kita at ang pinakapangamba ng mga ito – ang isinusulong na PUV Modernization Program.

Sa sunod na araw na lamang umano muling papasada ang mga ito dahil piniling ipagdiwang ang unang araw ng taong 2024 sa kani-kanilang mga pamilya.

Samantala, dulot ng konting bilang ng mga pumasadang pampublikong sasakyan ay ang maluwag na kakalsadahan sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments