CAUAYAN CITY – Nabigyan ng pagkakataong makapagsimula ng negosyo ang 25 skilled workers sa bayan ng Sta. Teresita, Cagayan sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program o DILP.
Kaugnay nito ay nakatanggap ang mga skilled workers ng kabuuang P750,000 na halaga ng livelihood projects tulad ng Nail Care, Electrical at Installation Maintenance, dressmaking, at Bread and Pastry.
Bukod dito ay sumailalim din sa isang pagsasanay ang mga benepisyaryo ng programa upang magkaroon sila ng sapat na kasanayan sa pagnenegosyo.
Hinihikayat ng DOLE Region 2 na alagaan at paunlarin ang mga natanggap na livelihood projects upang makatulong na mapaunlad ang estado ng kanilang pamumuhay.
Facebook Comments