Sa nararanasang tagtuyot ng mga magsasaka sa ilang bahagi ng lalawigan ng Pangasinan dahil sa kakulangan ng patubig sa irigasyon, nagsagawa ng training ang Department of Agriculture-Agricultural Training Institute Regional Training Center 1 para sa mga ito.
Kasamasa ang Greentop Organix Farm Agribusiness Skills Training and Assessment, Inc., nagsagawa ng isang training patungkol sa Drip Irrigation System para sa sustainable Coconut Industry.
Ngalalayun ang training na ito na mai-address ang problema pagdating sa irigasyon bilang ang tubig ang isa sa pinaka-crucial na elementong ginagamit para sa produksyon ng pagtatanim.
Dapat din na malaman ng mga magsasaka kung ano ang kahalagahan at potensyal ng coconut industry sa pamamagitan ng ibat ibang gamit nito at economic gains.
Samantala, tatlong araw ginanap ng naturang training at nasa dalawampu’t limang magsasaka mula San Fabian at Mangaldan ang nakinabang rito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨