Umaani ngayon ng magkahalong reaksyon mula sa ilang mga Pangasinense ang kaugnay sa umiiral na Jeepney Modernization Program.
Kung ang iba ay pabor sa pag-upgrade ng mga pampublikong sasakyan dahilan daw na mas komportable at mas maayos ang kondisyon ng mga commuters kung ganito, karamihan naman ay nakikisimpatya sa mga PUV operators partikular sa mga Public Utilility Jeepney o PUJ operators na hindi pa nakakapag-modernize ng kanilang minamanehong sasakyan.
Ayon sa mga nagpapahayag ng kanilang saloobin, tunay na mas mahihirapan umano ang mga jeepney operators dahil bukod sa masyadong malaki ang bayarin sa pag-avail ng modernized PUVs, karamihan daw sa kanila ay tanging pamamasada lamang ang pinagkakakitaan sa buhay.
May pamilyang binubuhay at minsan ay di umano sapat ang kita sa kada arawang pamamasada.
Dagdag pa nila na kahit pa consolidation lamang ang hinihingi sa ngayon, di raw lingid sa kanilang kaalaman na darating ang taong ipapatupad ang Jeepney Phaseout.
Samantala, hiling na lamang ng mga ito na mabigyan ng mas sapat na oras maging resources para makasabay sa transitioning mula traditional patungong modernized ang mga maliliit na operators. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨