Hindi sang-ayon ang ilang motorboat drivers sa Barangay Calmay, isang island barangay sa Dagupan City sa pagpapatupad ng pagsusuot ng life vest sa mga boat passengers.
Ani ng ilang motorboat driver, malaking abala na raw umano kasi sa oras kung bawat pasahero pa ay hihintayin na makapagsuot ng life vest bago bumiyahe.
Ang karamihan kasi sa kanila nagmamadali na rin umano para lamang makapasok sa eskwela at trabaho.
Bagamat hindi sang ayon hiling ng mga ito na bigyan na lamang sila ng life vest na naka standby sakaling kailanganin umano sa mga hindi inaasahang pangyayari.
Isa sa mga tinututukan ng Dagupan Coast Guard ay ang pagsusuot ng life vest ng mga pasahero para sa kaligtasan ng mga tumatawid sa kailugan gamit ang motor boat vehicle. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨