Ikinatuwa ng ilang mga may-ari ng sasakyang hindi pa nakakapag-parehistro ang pagluwag ng Land Transportation Office sa usaping No Registration, No Travel Policy.
Matatandaang inihayag ni LTO Chief Vigor Mendoza II kung saan kanyang inatasan ang mga tauhan ng LTO na iwasan muna na mag-impound ng ‘di rehistradong mga sasakyan at bigyan ang mga ito na pagkakataon na makapag rehistro.
Ayon kay Gorio De Vera, isang tricycle driver na may isa pa siyang sasakyang hindi pa nairehistro na masaya ito dahil niluwagan ang pagpapatupad ng paghuli sa mga di-rehistradong sasakyan.
Aniya, laking tulong umano ito dahil magkakaroon pa siya ng panahon para makapag-ipon para pamparehistro sa kanyang tricycle.
Samantala, sa kabila ng pagluwag ng ahensya sa restriksyong ito, patuloy ang paalala ng ahensya na magparehistro na sa lalong madaling panahon.
Matatandaan din na sa datos ng LTO humigit-kumulang 24.7 milyon o 67 porsyento ng mga sasakyan ang naitala bilang delingkwente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments