𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗔𝗥𝗔𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗞𝗘 𝗨𝗣 𝗖𝗟𝗔𝗦𝗦𝗘𝗦

Dahil sa sunod-sunod na kanselasyon ng klase sa Pangasinan bunsod ng masungit na panahon, nagpatupad ang ilang paaralan sa lalawigan ng Make up classes.

Sa Calasiao Comprehensive National High School, sisimulan ngayong araw ang make up classes upang kahit papaano ay mapunan ang mga araw na nahinto sa pagkatuto ang mga mag-aaral.

Ayon sa datos ng Department of Education Region 1, aabot na sa 22 araw o katumbas ng 12.7% ng kabuuang bilang ng klase ang nawala dahil sa mga suspensyon sa Ilocos Region.

Dahil dito, naglabas ng Regional Memorandum 1479 ang tanggapan ng mga maaring gawin upang hindi maantala ang learning process ng mga mag-aaral.

Bagamat hindi magpapatupad ng make-up classes ang ilang paaralan, tulad sa lungsod ng Dagupan, posible naman umanong dagdagan ang mga ipagagawa sa mga estudyante lalo na sa mga araw na wala sila sa paaralan.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments