𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗟𝗨𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗛𝗔

Lubog sa baha ang ilang bahagi ng pampublikong sementeryo sa bayan ng Calasiao dahil sa nakaraang pag-uulan na naranasan sa lalawigan.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Calasiao Municipal Administrator Antonio Saplan, araw-araw isinasagawa ang paglilinis at pagsasaayos ngunit may mga bahagi pa rin ang binabaha bunsod ng pag-uulan.

Sa Mangaldan naman, Hindi umano maipagkakaila ang pagbaha sa ilang parte ng sementeryo ngunit mabilis naman umanong humupa kapag hindi diretso ang pag-uulan.

Inaasahan na magsisimula nang dagsain ang mga sementeryo nang mga maglilinis ng mga nitso at dadalaw sa kanilang mga minamahal sa darating na Oct. 20 hanggang Nov. 1.

Panawagan ng awtoridad sa publiko na maging responsable sa kanya-kanyang basura upang maiwasan ang pagtatapon sa katabing nitso na madalas umanong ireklamo sa kanilang tanggapan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments