𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗡𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗕𝗨𝗪𝗔𝗟 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗛𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡

Nabuwal at nagtumbahan ang ilang puno sa Pangasinan dahil sa malakas na hangin na dala ng Bagyong Pepito.

Sa Brgy. Abulao, Tayug, nadaganan ng isang sasakyan matapos magtumbahan ang puno sa gitna ng national highway na nagdulot ng matinding daloy ng trapiko sa mga motorista.

Nakaranas din ng power interruption ang labing isang barangay sa Urdaneta City at Villasis matapos sumabit ang kable ng kuryente sa sa Isang puno dulot ng malakas na hangin.

Kagabi, naranasan din ang patay sinding kuryente sa ilang barangay sa Dagupan City dahil sa malakas na hangin.

Agad naman naibalik ang suplay ng kuryente sa mga apektadong lugar ngunit nagbabala ang tanggapan sa maaring power interruption na maranasan pa sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Pepito.

Hinihikayat naman ng tanggapan na agad i-report sa kanilang tanggapan ang anumang kahalintulad na insidente upang agad maayos at maiwasan ang aberya sa mga konsyumer. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments