𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗟𝗨𝗘𝗗 𝗛𝗜𝗥𝗔𝗣 𝗣𝗔 𝗥𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗡𝗢 𝗦𝗘𝗚𝗥𝗘𝗚𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗢 𝗖𝗢𝗟𝗟𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗬 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Aminado ang Barangay Council ng Malued sa Dagupan City na hirap pa rin ang ilang mga residente ng barangay na sumunod sa panuntunan ng lungsod na ‘No Segregation, No Collection Policy.

Sa naging panayam ng IFM News Dagupan kay Malued Brgy Captain Filipina Ampeng Delos Santos sinabi nito na nagiikot-ikot sila sa mga bahay bahay sa barangay upang ipakita kung paano ang tamang paghihiwalay sa mga basura.

Sa ngayon kasi aniya ay marami pa rin ang hindi nakakasunod dito kaya kailangan ng mahigpit na pagpapatupad.

Baka abutin pa aniya ng dalawang linggo hanggang isang buwan bago makasunod ang mga residente sa kanilang Barangay.

Samantala, nagbabala naman ito sa mga hindi susunod na may naka ambang multa sa mga hindi susunod sa polisiya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments