𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗔𝗥, 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡, 𝗟𝗨𝗠𝗜𝗞𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗥𝗖𝗘

Nagsagawa na ng pre-emptive evacuation ang ilang residente sa Brgy. Mindoro Bangar, La Union bilang paghahanda sa sa epekto ng Bagyong Marce.

Tinukoy ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council ang naturang barangay bilang flood-risk area dahil malapit ito sa karayan o ilog na madalas tumaas ang lebel ng tubig tuwing may bagyo.

Sa kasalukuyan, panunuluyan ang mga lumilikas na residente sa municipal evacuation center.

Sa pinakahuling datos mula sa PAGASA, nakasailalim ang bayan ng Bangar at ilan pang bayan sa La Union sa TCWS No. 2 at pinag-iingat sa posibleng pagbaha at storm surge. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments