Mas minabuti ngayon ng ilang tindahan sa ilang barangay sa Dagupan City na huwag na lamang mgabenta ng kahit ano mang klase ng paputok ngayong holiday season.
Ayon sa ilang tindahan gaya sa island barangaya ng Calmay at Carael, mas mainam umano kung hindi na sila amgbebent apa ng kahit anong klase ng paputok at manguna na rin sumuporta sa layon ng lungsod na zero firecracker incident sa pasko at bagong taon.
Mas maganda na rin umanong payapa at wala sino man lalo na ang mga kabataan ang mapahamak sa araw ng selebrasyon ng pasko at bagong taon.
Ngunit kahit pa umano hindi sila magbenta ng paputok ay may mga grupo pa rin umano ng mga kabataan ang gumagawa ng paraan at nagsasagawa ng mga improvised paputok gaya ng boga.
Samantala, todo bantay naman ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa mga barangay sa lungsod at ayon pa sa mga ito, kahit pa legal na paputok ay kanila pa rin umanong kukumpiskahin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨