𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗜𝗡𝗗𝗘𝗥𝗔 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗤𝗨𝗜𝗔𝗣𝗢, 𝗗𝗨𝗠𝗔𝗬𝗢 𝗣𝗔 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗕𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗜𝗦𝗜𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗧𝗜𝗠 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗭𝗔𝗥𝗘𝗡𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗔𝗢

Dumayo pa ang ilan sa mga tindera mula sa Quiapo, Maynila upang makapagbenta ng mga imahen, rosaryo, panyo, at iba pang souvenirs kaugnay ng Itim na Nazareno sa bayan ng Calasiao.

Ayon sa mga tindera, sila ay nagsasadya talaga sa mga lugar na binibisita ng tinagurian nilang ‘Ama’ upang ipaabot sa mga lokal ang mga simbolo ng naturang poon.

Kasabay ng pagdating at pag-alis ng poon, ay ang kanila ring itinakdang pagkakataon ng pagbebenta.

Samantala, inaasahan nilang sila ay makakabawi sa kita dahil naniniwala silang ang Ama hindi sila pinababayaan. Ayon pa sa kanila, ito ay parte na rin ng kanilang debosyon sa Itim na Nazareno.

Ilan lamang sa kanilang mga binebenta ay ang miniature ng poon, mga panyo, rosary, t-shirt at marami pang iba. Sila ay nakapuwesto sa tapat ng simbahan, kung saan kasalukuyang namamalagi ang Itim na Nazareno. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments