𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗢𝗨𝗥𝗜𝗦𝗧 𝗣𝗟𝗔𝗖𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗡𝗢𝗥𝗧𝗘, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗥𝗔 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢

Pansamantala munang isinara ang ilang tourist places sa Ilocos Norte dulot dahil sa epekto ng Bagyong Julian.

Ayon sa Ilocos Norte Tourism Office, pansamantala munang isinara ang Kapurpurawan, Cape Bojeador Lighthouse, at Malacañang of the North.

Ito ay para matiyak ang kaligtasan ng mga bisita at ng publiko.

Pinapayuhan rin ang publiko na umiwas muna sa dagat o iba pang mga lugar na may mataas na tsansa ng aksidente.

Inirerekomenda rin ng tanggapan ang pagpapaliban muna ng mga magpaplanong bumiyahe papunta ng probinsya hanggang bumuti ang kondisyon ng panahon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments