𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗨𝗠𝗔𝗔𝗥𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗧𝗥𝗢𝗟𝗬𝗢

Umaaray ngayon ang ilang tricycle drivers sa lungsod ng Dagupan dahil sa muling pagtaas sa presyo ng petrolyo.

Matapos ang rollback noong nakaraang linggo ay taas presyo naman muli ang mararanasan ng mga motorista.

Inaasahan tataas ng P0.30-P0.50/L ang Diesel, PO.00-P0.20/L naman sa Gasoline at PO.40-P0.50/L na pagtaas sa Kerosene.

Bagamat hindi na umano bago para sa jeepney at tricycle drivers, panawagan pa rin ng mga ito ang pangmatagalang solusyon upang kahit papaano ay makabawi man lang sa arawang kita. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments