𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗩𝗘𝗚𝗘𝗧𝗔𝗕𝗟𝗘 𝗩𝗘𝗡𝗗𝗢𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗔𝗠𝗜𝗡𝗔𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗦𝗧𝗔𝗕𝗟𝗘 𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗜𝗧𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡

Aminado ang ilang vegetable vendors sa palengke sa Dagupan City na hindi stable ang kanilang kitaan ngayon pagdating sa pagbebenta ng gulay.

Nasa singkwenta pesos pa rin ang bentahan ng ilan sa mga gulay na kanilang binibibenta depende sa kilong bibilihin ng konsyumer gaya ng sa cauliflower, repolyo, at pechay.

Dagdag pa nito, ang native na gulay ang talagang mahal kumpara sa gulay na kadalasan nilang ibinibenta.

Wala namang araw umano na masasabi nilang mataas ang kanilang kitaan dahil madalas ay minimum o mababa pa nga ang kita nila sa kada araw na pagbebenta nila ng produktong gulay.

Hiling na lamang nila na sana babaan pa rin ang bigay sa kanilang mga retailer ng gulay sa tuwing magbabagsak ng suplay ng gulay sa kanila dahil hirap na rin sila sa pagbawi ng puhunan at kita. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments