๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—š๐—”๐—Ÿ ๐—ก๐—” ๐—ฃ๐—”๐—ฆ๐—จ๐—š๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ก ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ž๐—”๐—ฌ, ๐Ÿญ๐Ÿฏ ๐—ž๐—”๐—ง๐—”๐—ข ๐—”๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—”๐——๐—ข

Cauayan City – Arestado ang 13 katao sa magkakahiwalay na operasyong isinagawa ng mga kapulisan ng Cagayan nitong ika-7 ng Abril, taong kasalukuyan.

Dinakip ng mga awtoridad ang anim (6) na suspek na mula sa bayan ng Lasam matapos maaktuhan ng mga operatiba ng PNP Lasam na naglalaro ng pusoy dos.

Samantala, pito (7) naman ang naaresto ng mga operatiba ng Tuguegarao Component City Police Station na nahuling naglalaro ng bet game.

Ayon kay Provincial Director, Pcol JULIO S. GOROSE, JR, ang sinumang sangkot sa iligal na pagsusugal at napatunayang nagkasala ay maaaring managot sa ilalim ng PD 1602 o “Illegal Gambling”.

Facebook Comments