π—œπ—Ÿπ—’π—–π—’π—¦ π—₯π—˜π—šπ—œπ—’π—‘, π—‘π—”π—‘π—”π—‘π—”π—§π—œπ—Ÿπ—œπ—‘π—š π— π—”π—Ÿπ—”π—¬π—” 𝗦𝗔 π—žπ—”π—¦π—’ π—‘π—š 𝗠𝗣𝗒𝗫

Walang naitatalang kaso ng sakit na Mpox sa buong Ilocos Region, ayon sa Department of Health-Center for Health Development (DOH-CHD) Region 1.

Ayon sa naging panayam kay DOH-CHD 1 Spokesperson, Dr. Rheuel C. Bobis, patuloy na tinututukan ng kagawaran ang sitwasyon ukol dito at pinaigting ang paghahanda sakaling makapagtala ng posibleng kaso ng sakit.

Kaugnay nito, hinimok ang publiko na maging maalam sa sakit na Mpox, saan at paano ito nakukuha, mga sintomas at mga nararapat na gawin upang maiwasan tulad ng pagsusuot ng face mask at paghuhugas ng kamay.

Paalala ni Bobis, sakaling makaranas ng sintomas na flu-like na may kasamang rashes ay agad nang pumunta sa pinakamalapit na ospital. Samantala, umakyat na sa labinlimang kaso ng mpox ang naitala sa bansa hanggang sa kasalukuyan. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments