𝗜𝗠𝗕𝗔𝗞𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗜𝗡𝗗𝗔, 𝗡𝗔𝗦𝗨𝗡𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗔𝗡𝗚𝗔𝗗𝗔𝗡𝗔𝗡

CAUAYAN CITY- Tinatayang nasa limang daang libong piso ang tinupok ng apoy sa nangyaring sunog sa isang grocery store at bodega sa La Suerte, Angadanan, Isabela.

Sa panayam ng IFM News Team kay FO3 John Rey Uy ng Angadanan Fire Station, nakatanggap ng tawag ang kanilang hanay bandang alas 5:16 ng hapon mula sa isang Kagawad hinggil sa nangyayaring sunog sa lugar.

Agad namang rumesponde ang mga ito at makalipas ang tatlompu’t limang minuto ay narating nila ang naturang establisyemento.


Hindi naman nagtagal ay agad nilang naapula ang sunog at sa kabutihang palad ay walang naitalang nasaktan o nasawi sa nangyaring sunog.

Kaugnay nito, ayon sa kanilang paunang imbestigasyon ay naiwanang nakasindi na kandila ang pinagmulan ng sunog.

Samantala, patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nangyaring sunog.

Facebook Comments