Inalmahan ngayon ng mga commuters sa Pangasinan ang iminumungkahing taas singil sa pasahe partikular sa mga modernized PUVs o upgraded na mga pampublikong sasakyan.
Matatandaan na naging bali-balita ang possible umanong magkaroon ng pagbabago sa pasahe sa parehong mga modernized at tradisyunal na mga PUJs.
Ayon sa mga commuters, masyado na raw mataas kung tuluyang pumalo sa ₱15 to ₱20 ang karagdagang taas singil sa pamasahe dahil sa kasalukuyan ay mataas na raw ang pisong dagdag pasahe lalo na sa panahon ngayon kung saan nagmamahalan ang mga pangunahing bilihin.
Ayon naman sa jeepney operators, hindi agad agad na makakapagpatupad ang mga ito ng fare increase hanggat hindi ito dumadaan o aprubado ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Samantala, sa nagyon ay umiiral ang provisional fare increase sa mga pampublikong sasakyan at maaari itong mabago – posibleng mabawasan o madagdagan sa kahihinatnan ng isinasagawang pagdinig. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨