𝗜𝗠𝗣𝗟𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗥𝗨𝗡𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗟𝗚𝗨 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗚, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗟𝗜𝗪𝗔𝗡𝗔𝗚 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗜𝗔𝗟𝗦

Ipinaliwanag ng legal office ng lokal na pamahalaan ng Bayambang sa mga barangay officials ang ukol sa mahalagang implentasyon ng Katarungang Pambaranggay para sa mga barangay sa kanilang bayan.

Dumalo sa isinagawang seminar ng Muinicipal Legal Office ang mga Punong Barangay, Barangay Secretary at Lupong Tagapamayapa ng Barangay para pag-usapan at talakayin ang kahalagahan ng seguridad at kapakanan ng kanilang mga nasasakupan lalo na pagdating sa pagbibigay ng katarungan.

Ipinaliwanag sa mga opisyales ang mga mandato ng mga ito patungkol sap ag-iimplementa ng Katarungang Pambarangay nang sa gayon ay mabilis na mabigyan ng aksyon ang mga problemang legal sa kanya-kanya nilang mga barangay.

Ilan sa mga mahahalagang ipinaliwanag sa mga ito ang tungkol sa mga paksang “Jurisdictional Aspects,” “Rules on Venue (Place of Settlement),” at “Procedural Aspects.

Samanatala, sinuportahan naman ang naturang seminar ng bise alklade ng bayan, kasama ang ilang konsehal at Municipal Administrator. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments