𝗜𝗡𝗖𝗨𝗠𝗕𝗘𝗡𝗧 𝗖𝗢𝗨𝗡𝗖𝗜𝗟𝗢𝗥 𝗖𝗘𝗟𝗜𝗔 𝗟𝗜𝗠, 𝗡𝗔𝗚𝗛𝗔𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗡𝗗𝗜𝗗𝗔𝗧𝗨𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗞𝗔-𝗔𝗟𝗞𝗔𝗟𝗗𝗘 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬

Naghain ng Certificate of Candidacy si incumbent Councilor Celia Lim sa pagka-alkalde ng Dagupan City kahapon.

Naghain rin ng kandidatura sa pagka bise alkalde ang kaniyang anak at dating Dagupan City Mayor Brian Lim at ang isa pang anak nito na si Re-electionist Councilor Irene Lim.

Sabay-sabay na nagtungo ang mga ito kasama ang ilan pang nilang kapartido sa opisina ng COMELEC matapos dumalo sa Isang misa sa St. John the Evangelist Cathedral.

Ayon sa nakakatandang Lim, Alam na nito ang totoong pagseserbisyo publiko sa tagal ng nasa larangan ng paglilingkod sa bayan.

Makakalaban ni Lim si Incumbent Dagupan City Mayor Belen Fernandez sa 2025 Midterm Elections. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments