Tuesday, January 20, 2026

𝗜𝗡𝗗𝗜𝗕𝗜𝗗𝗪𝗔𝗟, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗚 𝗧𝗥𝗘𝗣𝗔𝗦𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗥𝗜𝗕𝗔𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗤𝗨𝗜𝗥𝗜𝗡𝗢

Cauayan City – Arestado ang isang lalaki matapos umanong pumasok nang walang pahintulot sa isang pribadong tahanan sa Brgy. Purok 6, Guinalbin, Aglipay, Quirino, noong Enero 18, 2026.

Ayon sa ulat, agad na rumesponde ang mga tauhan ng Aglipay Police Station at 1st Mobile Patrol, 2nd Quirino Police Mobile Force Company matapos makatanggap ng tawag tungkol sa lalaking pumasok sa nasabing bahay.

Sa mabilis na operasyon, naaktuhan ang suspek sa loob ng tahanan at kaagad na inaresto ng mga pulis.

Wala namang naiulat na nasaktan at ligtas ang mga residente ng bahay.

Dinala ang suspek sa Aglipay Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at imbestigasyon.

Inihahanda na rin ang kaso laban sa kanya dahil sa paglabag sa umiiral na batas.

————————————–
‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments