
Cauayan City – Inilunsad ng Isabela Provincial Government sa pamamagitan ng Isabela Coastal Development Office (ICDO) ang pormal na pagtatatag ng Indigenous Peoples Coastal Governance Network.
Dinaluhan ang pagpupulong ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), mga coastal Indigenous Peoples Mandatory Representatives (IPMRs), katutubong lider, at ang Philippine Normal University-North Luzon bilang Indigenous Peoples Education Hub na layong palakasin ang pamumuno ng mga katutubo sa pangangasiwa ng baybayin at itaguyod ang participatory at rights-based governance.
Binibigyang-diin din ng network ang papel ng mga katutubo bilang unang tagapangalaga ng baybayin, ilog, at ecosystem, at ang kahalagahan ng kanilang aktibong partisipasyon sa kalikasan, polisiya, at programang pangkomunidad.
Ayon sa mga opisyal, ang network ay simula ng kolaborasyon at kaalaman ng mga komunidad, at inaasahang palalawakin sa buong lalawigan para masiguro ang partisipasyon ng Indigenous Peoples sa pamamahala at sustainable development.
Source: Isabela Coastal Development Office
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










