𝗜𝗡𝗗𝗜𝗚𝗘𝗡𝗧 𝗦𝗘𝗡𝗜𝗢𝗥 𝗖𝗜𝗧𝗜𝗭𝗘𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗢𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗣𝗘𝗡𝗦𝗜𝗢𝗡

Ipinamahagi sa higit dalawang libong indigent senior citizens sa Alaminos City ang kanilang social pension sa ilalim ng Social Pension program ng Department of Social Welfare and Development.

Tatlong araw na isinagawa ang naturang payout para sa mga senior citizens sa lungsod kung saan nasa 2,547 ang benepisyaryo ng programa.

Naglalayon ang programa ito na matulungan sa pamamagitan ng pinansyal na aspeto ang mga indigent senior citizens na walang natatanggap na pensyon mula sa ano mang ahensya ng gobyerno.

Makatutulong rin ang nasabing programa para mapunan ang mga pangangailangan ng mga indigent senior citizen tulad ng pagkain at gamot.

Binibigay ang naturang social pension payout kada tatlong buwan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments