Muling palalakasin ng Provincial Government ng Pangasinan ang lokal na industriya ng bucayo sa probinsya.
Ayon sa Provincial Government, Sa pamamagitan ng pagpapalago ng coconut industry sa probinsya ay susuportahan din nito ang pagpapalago ng bucayo production.
Suportado rin ng probinsya ang target ng gobyerno na makapagtanim ng nasa 20 million hanggang 25 million coconut seedlings sa bansa ngayong taon.
Ang industriya ng bucayo ay nagsimula o originated sa bayan ng Lingayen kaya naman nais ngayong itong buhayin upang maibalik din ang dating bansag bilang best-tasting bucayo sa bansa.
Ang Pangasinan umano sa tatlong pangunahing produkto nito na tinatawag na 3Bs o ang produktong Bangus, Bagoong, at Bucayo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments