Patuloy na tinututukan ng Department of Agriculture Region ang industriya ng palay sa rehiyon sa pamamagitan ng mga programang kanilang inilunsad.
Isa na rito ang kanilang pagpapaliwanag ukol sa Masagana Rice Industry Development Program (MRIDP) 2023-2028 kung saan naglalayon na isulong ang pagkakaroon ng sustainable agriculture pagdating sa palay at maabot ang sufficiency level nito sa taong 2028.
Isa sa gagamitin estratehiya ng DA ay ang MASAGANA kung saan nabibilang ang mga dapat na sundin para sa magandang resulta sa usaping agrikultura.
Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang pagbibigay ng mga farm inputs sa mga magsasaka sa rehiyon ay pagkakaroon ng mga mga interbensyon na makatutulong sa mga ito upang maiangat ang sektor ng pangsaka. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨