𝗜𝗡𝗙𝗔𝗡𝗧𝗔, 𝗜𝗗𝗜𝗡𝗘𝗞𝗟𝗔𝗥𝗔 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝟮𝗡𝗗 𝗖𝗟𝗔𝗦𝗦 𝗠𝗨𝗡𝗜𝗖𝗜𝗣𝗔𝗟𝗜𝗧𝗬

Idineklara ng Department of Finance bilang 2nd class municipality ang bayan ng Infanta matapos makitaan ng pagtaas ang average annual regular income ngayong taon.

Inihayag ng lokal na pamahalaan na bunga ito ng pinaigting na tax collection, maagap na taxpayers at pagsulpot ng mga investors sa bayan dahilan ng pag-angat nito mula sa pagiging 3rd class municipality.

Nakasaad sa RA 11964 o ang Automatic Classification of Local Government Units Act na pinirmahan ni President Ferdinand Marcos Jr noong 2023 ang pagtatakda ng average annual regular income ng bawat LGU upang maideklara bilang First class to fifth class municipality.

Sa ilalim ng batas, matutukoy na first class municipality ang isang bayan kapag umabot ng P200, 000,000 ang annual average income; P160, 000,000 o higit pa para maging 2nd class; P130, 000,000 sa 3rd class municipality at iba pa.

Hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang publiko na maagap na sumunod sa mga ipinatutupad na regulasyon upang mapataas pa ang antas ng munisipalidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments