𝗜𝗡𝗙𝗟𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗥𝗔𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝟰.𝟱% 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗡𝗢𝗕𝗬𝗘𝗠𝗕𝗥𝗘

Cauayan City – Tumaas sa 4.5% ang inflation rate ng Cagayan nitong Nobyembre na inilabas sa isang press briefing sa PSA Conference Hall, Juliana Square, Tuguegarao City.

Ayon kay Cristeta Retoma, Officer-in-Charge ng PSA Cagayan, mas mataas ang naitalang inflation rate kumpara sa 4.0% noong Oktubre.

Ang sunod-sunod na pananalasa ng bagyo ang pangunahing dahilan ng pagtaas, na nakaapekto sa mga presyo ng pangunahing bilihin.


Samantala, tiniyak ni Ronald Tuddao, Trade Industry Development Specialist ng Department of Trade and Industry (DTI), na upang mapigilan ang labis na pagtaas ng presyo, nagpatupad ang ahensya ng price freeze sa mga pangunahing bilihin tulad ng sardinas, noodles, asukal, kape, at asin na magtatagal hanggang January 2025.

Patuloy na nakikipagtulungan ang PSA sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang bantayan ang presyo ng bilihin at tiyaking walang pagmamalabis sa mga pamilihan.

Kasama rito ang pagsubaybay sa presyo ng mga pangunahing produkto at serbisyo upang mapanatili ang kontrol sa presyuhan.

Facebook Comments