𝗜𝗡𝗙𝗟𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗥𝗔𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗢𝗢𝗡𝗚 𝗢𝗞𝗧𝗨𝗕𝗥𝗘, 𝗕𝗨𝗠𝗜𝗟𝗜𝗦 𝗦𝗔 𝟭.𝟵%

Bumilis ang pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo o inflation rate sa Ilocos Region sa 1. 9% noong Oktubre, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) Region 1.

Noong Setyembre ngayong taon naitala lamang ang NASA 0.6% rate.

Ilan sa nakaapekto sa naitalang pagbilis nito ay ang commodity groups na kinabibilangan ng mga sumusunod.

-Food and non-alcoholic beverages na may 2.6%
-Transport at
-Personal care, and miscellaneous goods and services na may 4.5%
-Furnishings, household equipment, and routine household maintenance sa 4%
-Clothing and footwear, 4.8%
-Alcoholic beverages and tobacco, 3.4%.

Sa buong Rehiyon Uno, pinakamataas na may naitalang inflation rate ay ang lalawigan ng Ilocos Sur na nasa 3.8%, sinundan ng La Union sa 2.2%, Pangasinan sa 1.6% at pinakamababa sa Ilocos Norte sa 0.6%.

Samantala, mas mababa ang naitalang inflation rate ngayong October 2024 kumpara sa 3.7% inflation rate na naitala sa parehong panahon noong nakaraang taon.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments