Bumagal ang headline inflation rate sa rehiyon uno nitong Agosto ngayong taon ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) Regional Statistical Office 1.
Nasa 1.8% ang naitalang headline inflation sa rehiyon noong nakaraang buwan, mas mabagal umano ito kung ikukumpara noong buwan ng Hulyo na nasa 3.3%.
Nasa 2.3% naman ang naitalang average inflation rate sa rehiyon mula Enero hanggang Agosto ng 2024.
Isa sa nangunang nakapag-ambag sa mabagal na inflation rate ay ang Food and non-alcoholic beverages na nasa 2.8%, bahagyang mababa kumpara noong Hulyo na nasa 7.2%.
Habang sunod naman sa pagbagal ay ang Transport at Education services. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments