Bagong panimula at pag-asa ang hatid ng libreng trabahong natanggap ng tatlumpung Persons Deprived of Liberty (PDL) na nakapiit ngayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) facility sa lungsod ng Alaminos.
Sa pagsasanib-pwersa ng programa ng lokal na pamahalaan na Hundred Islands engineered kawayan (e-kawayan) factory at BJMP, naipamahagi ang mga libreng trabahong ito sa tatlumpung PDLs.
Ayon sa datos na nakalap mula sa panayam kay BJMP operation and investigation staff Jail Officer 1 John Ray dela Cruz ng PNA, ang mga inmates ay sumailalim sa pagsasanay sa pagpoprodyus ng iba’-t-ibang produkto ng kawayan, simula po noong Disyembre 2023.
Ayon kay dela Cruz, ang kikitain ng mga ito mula sa kanilang pinagtrabahuan, ay hahati-hatiin at mapupunta ng direkta sa mga inmates na nagtrabaho nito.
Samantala, naglalayon pa ang lokal na pamahalaan ng Alaminos na mapalawig pa ang iba’t-ibang programa sa kanilang lokalidad upang mapangalagaan ang kapakanan ng mga nasasakupan nito maging ng kalikasan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨