Nagbabala ang Dagupan Electric Corporation o DECORP sa mga indibidwal na nagjujumper o gumagawa ng ilegal na koneksyon ng kuryente.
Sa panayam ng IFM Dagupan kay DECORP HRD Head Atty. Randy Castillan, paglabag umano ito sa batas at may kaukulang parusa.
Ang sinomang mahuli sa akto na naka jumper ay kakasuhan ng sa ilalim ng ‘Pilferage’ of RA 7832.
Kamakailan lamang umano may mga nahuli ang tanggapan na iligal na kumokonekta sa metro ng ibang konsyumer.
Giit nito mahuhuli at mahuhuli ang mga gumagawa ng ganitong modus dahil sa isinasagawang inspeksyon na kung saan nakikitaan ng pag-tamper ng mga selyo ng naturang electric provider.
Ang ilegal na koneksyon ng kuryente ay maaring pagmulan ng sunog dahil sa maling pagkakagawa sa pagkonekta ng kable ng kuryente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨