𝗜𝗡𝗧𝗘𝗡𝗦𝗜𝗙𝗜𝗘𝗗 𝗣𝗢𝗟𝗜𝗖𝗘 𝗩𝗜𝗦𝗜𝗕𝗜𝗟𝗜𝗧𝗬 𝗔𝗧 𝗞𝗔𝗥𝗔𝗚𝗗𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗛𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗞𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡

Nagpahayag ng kahilingan ang alkalde ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Mangaldan na si Mayor Bona Fe De Vera- Parayno ukol sa agarang pagpapadagdag ng bilang ng kapulisan sa bisinidad ng kanilang nasasakupan upang maprotektahan ang mga mamamayan laban sa iba’t-ibang kriminalidad.

Ayon sa alkalde, hiniling na niya ang dagdag-puwersa sa hanay ng kapulisan, sa pangunguna ni Acting Municipal Chief of Police PLTCol. Roldan E. Cabatan bago pa man nangyari ang insidente ng pagpatay kay Dating Punong Barangay Melinda “Tonet” Morillo, upang maisakatuparan ang Police Versus Population Ratio na bisyon sa kanilang bayan.

Ang naturang kahilingan ay muling inihayag ng alkalde ang kaniyang hiling sa hepe ng lokal na pulis, pagtapos ng insidente ng pagpatay sa isang barangay kagawad ng Barangay Guilig at ang pagpatay sa isang tindera ng dating kinakasama nito.

Samantala, idiniin ng alkalde ng bayan ang importansya ng presensya ng mga pulis sa bawat barangay at mas madalas na pagroronda nito, katuwang na ang Barangay Security Force.

Gayunpaman, tugon ng PLTCol. Cabatan ang aksyon na paglalapit nitong hiling sa Pangasinan Police Provincial Office sa Lingayen, at patuloy na rin itong sinusuri kung saan isinasaalang-alang pa ang kasukuluyang bilang at kakayanan ng mga nakatalaga sa iba’t-ibang bahagi ng lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments