𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥-𝗔𝗚𝗘𝗡𝗖𝗬 𝗠𝗘𝗘𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗨𝗚𝗡𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗔𝗡𝗔𝗣 𝗡𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗨𝗡𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Matagumpay na isinagawa ang inter-agency meeting kaugnay sa mga naganap na mga sunod-sunod na naitalang sunog sa Dagupan City.

Pinangunahan ang naturang pagpupulong ng Lokal na Pamahalaan ng Dagupan City katuwang ang iba’t ibang ahensya gaya ng City Bureau of Fire Protection (BFP), City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), PANDA Fire Volunteer Brigade.

Napag-usapan sa pulong na ito ang iba’t ibang mga hakbang kung paano ng aba magkakaroon ng mabilis na aksyon ang mga kinauukulang ito sa tuwing may mga nagaganap na pangyayari gaya ng sunog.

Isa sa kanilang napag-usapan ang ukol sa mga dapat bilhing modernong kagamitan para sa disaster preparedness o emergency response dahil makakatulong umano ito sa pagbibigay ng serbisyo publiko.

Samantala, ayon sa alkade ng Dagupan City na si Mayor Belen Fernandez nan ais niya umanong maibalik ang Emergency Response Operation Center na dati na aniyang ipinatupad kung saan binubuo ito ng bawat agencies concerned para sa mas pinabilis na komunikasyon at responde sa mga sakuna tulad ng sunog. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments