CAUAYAN CITY- Nagsagawa ng monitoring ang NIA Isabela Irrigation Management Office sa mga imprastrakturang nasira ng Bagyong Carina.
Kabilang sa kanilang ininspeksyon ay ang Tumauini Irrigation System kung saan isa ito sa may pinakamaraming pinsala na iniwan ng nasabing bagyo.
Layunin ng NIA Isabela Irrigation Management Office na suriin ang mga sira sa pasilidad upang magkaroon agad ng plano para masuportahan ang mga local farmers na gumagamit ng nasabing irrigation system.
Ang nasabing pagsusuri ay isang malaking hakbang upang maibalik ang mahalagang serbisyo sa mga benepisyaryo nito at mabawasan epekto nito sa Agrikultura.
Facebook Comments