Kasalukuyang one lane passable lamang ang Villa Verde Road sa bayan ng San Nicolas matapos ang pagguho ng lupa sa lugar dahil sa walang tigil na pag-ulan dahil sa Bagyong Pepito.
Ayon sa abiso ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management office (MDRRMO) San Nicolas, light vehicles lamang ang papayagang dumaan sa naturang kalsada.
Patuloy ang isinasagawang clearing operations ng Department of PUBLIC Works and Highways (DPWH) Region 1 kung kaya’t abiso ang ibayong pag-iingat para sa mga motorista na dadaan dito.
Ang Villa Verde Road ay daan na nagdurugtong sa bayan San Nicolas patungo sa Santa Fe, Nueva Vizcaya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments