𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗙𝗘𝗥𝗡𝗔𝗡𝗗𝗢 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗛𝗔 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗗𝗥𝗔𝗜𝗡𝗔𝗚𝗘 𝗡𝗔 𝗧𝗔𝗠𝗕𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗦𝗨𝗥𝗔

Tambak na basura sa drainage ang nakikitang dahilan nang pagbaha sa Brgy. Catbangen, San Fernando City, La Union matapos ang tuloy-tuloy na pag-uulan dahil sa Bagyong Enteng.

Namroblema ang mga residente sa naturang barangay dahil sa maaring epekto nito sa kanilang kalusugan.

Dahil dito, nagsagawa ng agarang declogging at clearing operation ang Provincial Engineering Office upang maalis ang kumpol ng basura at maging maayos ang daloy ng tubig.

Samantala, sa Brgy. Sta. Rita East ng bayan ng Aringay bahagyang napinsala ang provincial road.

Agad namang naireport sa DPWH upang maiwasan ang aksidente sa mga motorista. Maliban dito, passable naman ang lahat ng kakalsadahan sa probinsiya ng La Union. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments