
โ
โCauayan City – Isang bagong abogado mula sa lalawigan ng Isabela ang nagbigay karangalan sa rehiyon matapos makapasa sa Bar Examination 2025.
โ
โSiya si Atty. Alyssa Reyel Abuan Jacela, Certified Public Accountant, na mula sa Lungsod ng Cauayan, ay kabilang sa mga matagumpay na examinee sa buong bansa.
โ
โNagtapos si Atty. Jacela ng Bachelor of Science in Accountancy sa Far Eastern University (FEU) bago niya tinahak ang kursong Juris Doctor sa University of Santo Tomas (UST).
โ
โBago pa man niya makamit ang titulong abogado, una na rin niyang naipasa ang pagsusulit ng Certified Public Accountant.
โ
โKabilang siya sa 5,594 na pumasa mula sa kabuuang 11,425 na kumuha ng Bar Exam noong 2025, na nagtala ng halos 48.98 porsiyentong national passing rate.
โ
โIpinahayag ni Atty. Jacela ang kanyang pasasalamat at pananalig na kapag ang tagumpay ay nakalaan para sa isang tao, darating ito sa tamang panahon sa biyaya ng langit kahit hindi ito pilitin.
โ
โSource: RCVN
————————————–
โPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,ย www.rmn.ph/985ifmcauayan.
โ#985ifmcauayan
โ#idol
โ#numberone
โ#ifmnewscauayan










