𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗔𝗢, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗛𝗨𝗟𝗜 𝗦𝗔 𝗔𝗞𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗘𝗕𝗘𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗘𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔

Arestado ang 48 anyos na residente ng Brgy. San Miguel Calasiao kinilala bilang si Julius Fernandez alyas “Babalu” matapos mahuli sa aktong nagbebenta ng hinihinalang shabu sa isang poseur buyer.

Tinukoy bilang street level individual ang suspek sa usaping ilegal na droga sa bayan ng Calasiao. Nakumpiska dito ang 0.35 grams ng hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng P2, 380.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng awtoridad ang suspek habang inihahanda ang kaukulang kaso na haharapin nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments