π—œπ—¦π—”π—‘π—š π—Ÿπ—”π—Ÿπ—”π—žπ—œ, π—§π—œπ— π—•π—’π—š 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬-𝗕𝗨𝗦𝗧 π—’π—£π—˜π—₯π—”π—§π—œπ—’π—‘ π—‘π—š 𝗔𝗨π—₯𝗒π—₯𝗔 𝗣𝗦


β€Ž
β€ŽCauayan City – Timbog ang isang Street Level Individual na kilala sa alyas na β€œGabo,” 46-anyos, may asawa at walang trabaho, matapos ang isang buy-bust operation na isinagawa kahapon, Enero 10, 2026, sa Barangay Sta. Rita, Aurora, Isabela.
β€Ž
β€ŽPinangunahan ng Aurora Police Station ang operasyon katuwang ang Provincial Intelligence Unit ng Isabela PPO at sa koordinasyon ng PDEA Regional Office 2.
β€Ž
β€ŽAyon sa ulat ng kapulisan, isang informant umano ang nagbigay ng impormasyon kaugnay sa ilegal na gawain ng suspek dahilan upang isagawa ang operasyon.
β€Ž
β€ŽNasamsam mula sa suspek ang humigit-kumulang 0.9 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang Php 6,120.00, kabilang ang buy-bust item at iba pang sachet ng ilegal na droga.
β€Ž
β€ŽNarekober din ang iba’t ibang personal na gamit gaya ng cellular phone, wallet, buy-bust money, driver’s license, isang motorsiklo na walang plaka, at isang backpack.
β€Ž
β€ŽSamantala, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
β€Ž
β€ŽSource: PNP AURORA

————————————–
β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,Β www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments